Saliksik

Mga Saliksik

Marami nang pag-aaral na ginawa tungkol sa mga wika sa bansa sa nakalipas na panahon. Ilan sa mga pag-aaral na ito ay ang Linguistic Atlas of the Philippines ni Curtis McFarland (1975), Handbook of Philippine Languages ni Teodoro Llamzon (1978), ang CCP Encyclopedia of Philippine Art: Peoples of the Philippines Vol. (1994), ang Ethnologue ng SIL na makikita sa kanilang website, at ang Atlas ng mga Wika ng Filipinas ng KWF noong 2016. Mayaman man sa datos at impormasyon, kapansin-pansin na may ilang kakulangan pa rin sa nabanggit na mga lathalain. Unang-una na rito ang bílang ng populasyon na nagsasalita ng wika na kadalasan ay pagtatantiya lámang lalo na roon sa mga wikang nása lugar na mahirap o delikadong puntahan. Ikalawa ay ang kakulangan ng datos na nagpapakita kung ano na ang kalagayan ng ilang katutubong wika sa kasalukuyan.

Kayâ naman, sinimulan ng KWF noong 2015 ang gawaing pagdodokumento sa mga wika ng Pilipinas, subalit nakatuon pa lámang ito sa mga wikang nanganganib nang maglaho. Taóng 2018 nang ipatupad ang pinakaambisyoso ngunit lubhang kailangang programa sa saliksik ng KWF—ang Lingguwistikong Etnograpiya ng Filipinas (LEF). Pagpapatúloy ito ng pagdodokumento ng mga wika ng Pilipinas na mayroong lingguwistiko, etnograpiko, at historikong dulog. Naisakatuparan ang LEF dahil sa pondong ipinagkaloob sa KWF mula sa opisina ni Sen. Loren Legarda.

Sa kasalukuyan, patuloy ang proyektong pananaliksik ng KWF na may layuning maidokumento ang wika at kultura ng mga katutubong pamayanang kultural, lalo na ang mga nanganganib nang maglaho; mabalida at matukoy ang sitwasyong pangwika ng mga etnolingguwistikong pangkat sa buong bansa; makapaglimbag ng manuskrito na tutugon sa kakulangan ng mga babasahín hinggil sa mga etnolingguwistikong pangkat; at magamit ng mga mananaliksik at ibang ahensiya ng pamahalaan ang mga saliksik bilang sanggunian para sa iba pang mga programa.

ÁLTA

Matatagpuan sa lalawigan ng Aurora ang katutubong pangkat ng mga Alta. Tinatawag nila ang kanilang sarili bílang Álta na ayon sa mga impormanteng Alta, nangangahulugan ang terminong ito na “táong maitim at kulot ang buhok.” Edímalá ang orihinal na tawag ng mga Alta sa…

ARTA

Isa ang Árta sa mga katutubong pangkat na naninirahan sa lalawigan ng Quirino. Matatagpuan ang kanilang komunidad sa munisipalidad ng Nagtipunan partikular sa Sityo Dionuan, Pulang Lupa, at Tilitilan (Kimoto 2013). Árta ang karaniwang tawag nila sa…

AYTA MAG-ANTSI

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa búhay at sa wika ng isa sa mga pangkat etniko sa Pilipinas, ang mga Ayta na kalimitang tinatawag na Ayta Mag-antsi. Tinatawag siláng Mag-antsi dahil sa paggamit ng impit na tunog sa pagitan ng mga salita…

AYTA MAGBUKUN

Sa tangwáy ng Bataan sa Gitnang Luzon matatagpuan ang isang pangkat ng mga katutubo na mayaman sa mga katutubong paniniwala at tradisyon—ang Ayta Magbukún. Ayta ang pangkalahatang turing ng mga tagalabas sa mga Ayta. Ginagamit naman ng…

BUHID MANGYAN

Mangyan ang karaniwang tawag para sa mga katutubong pangkat sa isla ng Mindoro. Ang bawat pangkat dito ay may sariling pangalan, wika, at tradisyon. May walong katutubong pangkat na umiiral sa buong isla ng Mindoro…

GADDANG

Ang orihinal na nanirahan sa Nueva Vizcaya ay ang mga Igorot, Ifugao, at Ayta. Maliban sa mga ito, kinilala rin ang mga Gaddang at Malaats bílang isa sa mga pangkat na unang nanirahan sa…

IBALOY

Ibaloy o Ivadoy ang ësël o wika ng mga unang katutubo sa Baguio at sa mga karatig ili o bayan nitóng Tuba, Itogon, Sablan, La Trinidad, Tublay, Kapangan, Atok, Bokod, Kabayan, at Kayapa sa…

INI

Ang pagiging arkipelago ng Romblon ay may malaking kontribusyon sa pagkabuo ng wikang Iní. Tatlong magkakahiwalay na isla ang kinasasakupan ng mga nagsasalita ng wika. Napapaligiran ang bawat komunidad ng…

KANKANAEY

Ang karamihan sa mga nagsasalita ng Kankanáëy ay nakatira sa hilagang bahagi ng probinsiya ng Benguet at sa kanlurang bahagi ng Mountain Province. Sa bilang ng PSA , 141,434 na tao ang nagsabi sa lalawigan ng Benguet na…

KAPAMPANGAN

Ang Kapampangan ay isang táong kinikilalang ipinanganak sa lalawigan ng Pampanga at tagapagsalita ng wikang Kapampangan. Maari ding matawag ang isang tao na Kapampangan kung ang…

KASIGURANIN

Maliit na populasyon lámang ang nagsasalita ng wikang Kasiguranin. Sumibol ito mula sa orihinal na Agta Kasiguranin at naimpluwensiyahan ng migrasyon mula sa sa iba-ibang pangkat-etniko…

ONHAN

Ang Onhan ay isa sa tatlong wikang katutubo, kasama ng wikang Ini (Romblomanon) at Asi, na sinasalita sa lalawigan ng Romblon. Ang wikang ito ay kilalá rin sa mga katawagang…

SAMA

Kasabay ng unti-unting pag-unlad ng Pilipinas ay ang pagbabago sa wika at kultura ng mga Sáma. Ang ilan sa kanila ay patúloy na iniingatan ang mga minánang tradisyon, paniniwala, kaugalian, at…

SAMBAL

Kilala sa tawag na Sambal o Sambali o Sambal Tina ang wikang ginagamit ng mga katutubong Sambal na matatagpuan sa munisipalidad ng Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, at Palauig sa Zambales…

YAKAN

Ang wikang Yakan ay hindi baryasyon ng wikang Sinama at Tausug (Bahasa Sug). Bagaman may ilang salitáng magkatulad sa wikang Yakan at Sinama, gaya ng mangán na nangangahulugang kumain, ito ay…

YOGAD

Kilala ang Cagayan Valley bílang isa sa mayayamang rehiyon sa Pilipinas. Ito ay mayaman sa kalikasan gaya ng lupa, mineral, at tubig gayundin sa kagubatan….