Listahan ng mga Wika ng Pilipinas – T

Listahan ng mga

Wika ng Pilipinas

 

Tadyáwan Mangyán

Tadyáwan Mangyán ang tawag sa wika ng grupo ng mga Tadyawan Mangyan na naninirahan sa mga bayan ng Gloria, Naujan, Pinamalayan, Pola, Socorro, at Victoria sa lalawigan ng Oriental Mindoro. Tinatawag din ng grupo ang kanilang sarili na Balaban…

Tagabawá

Tagabawá ang tawag sa wika ng mga katutubong Bagóbo Tagabawá na naninirahan sa mga ligid ng Bundok Apo at sa mga gilid ng Ilog Lipadas, Ilog Matanao, Ilog Bulatukan, at Ilog Saguing sa Davao. Matatagpuan silá partikular sa mga barangay ng…

Tagabulós

Ang Tagabulós ay ang wika ng mga katutubong Agta sa lalawigan ng Aurora, partikular sa mga barangay ng Dibut, Jotorin, Dicapinisan, at Dimanayat sa bayan ng San Luis; at sa mga barangay Matawe at Omiray sa bayan ng Dingalan. May…

Tagakawló

Ang Tagakawló ay ang wika ng mga katutubong Tagakawló na naninirahan sa Malungon at Alabel sa lalawigan ng Sarangani.
Tagakawló ang kadalasang unang wikang natututuhan ng mga katutubong Tagakawló bagaman may ilan na hindi na natuto nito…

Tagálog

Isa ang Tagálog sa mga pangunahing wika ng Pilipinas. Ito ang unang wika ng humigit-kumulang 22,000 Pilipino na naninirahan sa lalawigan ng Rizal, Bataan, Quezon, Laguna, Batangas, Zambales, Cavite, Bulacan, Nueva Ecija, Aurora…

Tagbanwá

Ang Tagbanwá ay ang wika ng mga katutubong Tagbanwá na naninirahan sa Barangay Bulalacao sa Coron, at sa mga bayan ng Culion at Busuanga sa lalawigan ng Palawan.
Bukod sa wikang Tagbanwá, nakapagsasalita rin ang mga…

Tawbuwid Mangyán

Ang Tawbuwid Mangyán ay ang wika ng grupong Mangyan na naninirahan sa ilang sityo sa baybayin ng Sablayan at Calintaan sa lalawigan ng Occidental Mindoro; at sa mga bayan ng Pinamalayan at Gloria sa lalawigan ng Oriental Mindoro…

Tëduráy

Tëduráy ang tawag sa wika ng grupong Tëduráy na naninirahan sa bayan ng Upi sa lalawigan ng Maguindanao; bayan ng President Roxas sa lalawigan ng Cotabato; at bayan ng Lebak, lalawigan ng Sultan Kudarat. Sa Maguindanao matatagpuan ang…

Ténap

Ténap ang tawag sa wika ng isang grupo ng mga Agtâ na naninirahan sa bayan ng Baggao at Bulubunduking Sierra Madre sa lalawigan ng Cagayan. Agtâ Dupáningán kung tawagin nilá ang kanilang grupo, at sa ganitong pangalan din silá kilalá ng mga…

Tíbolí

Ang Tíbolí ay ang wika ng grupong Tíbolí na naninirahan sa mga bayan ng T’boli, Surallah, Polomolok, Tupi, Tantangan, Norala, Banga, at sa Lawa ng Sebu sa lalawigan ng Timog Cotabato; sa bayan ng Bagumbayan sa lalawigan ng Sultan Kudarat; at…

Tinalaandíg

Tinalaandíg ang tawag sa wika ng mga Talaandíg na naninirahan sa Bukidnon, partikular sa mga bayan ng Lantapan, Talakag, Malaybalay, Valencia, at Maramag. May mangilan-ngilan din na matatagpuan sa Lungsod Butuan sa Agusan del Norte, at sa bayan…

Responses