Listahan ng mga Wika ng Pilipinas – H

Listahan ng mga

Wika ng Pilipinas

 

Hamtikánon

Hamtikánon ang tawag sa wika ng grupong Áti na naninirahan sa lalawigan ng Antique, partikular sa Barangay Tina sa bayan ng Hamtic at sa mga bayan ng Valderama at Laua-an..

Hanunoó Mangyán

Ang Hanunoó Mangyán ay ang wika ng mga katutubong Hanunoó Mangyán na naninirahan sa mga bayan ng Mansalay, Bulalacao, at ilang bahagi ng Bongabong sa Oriental Mindoro…

Hátang Kayê

Hátang Kayê ang tawag sa katutubong wikang sinasalita ng mga Remontádo na matatagpuan sa lalawigan ng Rizal partikular sa Minanga Sentro

Higaúnon

Higaúnon ang tawag sa wika ng grupong Higaúnon na isa sa pitóng pangunahing grupo sa lalawigan ng Bukidnon. Matatagpuan ang grupo sa Brgy. Hagpa at Brgy. Kalabugao, Lungsod Impasug-ong

Hiligaynon

Hiligaynón ang tawag sa wika ng grupong Hiligaynón na naninirahan sa kanlurang Visayas partikular sa lalawigan ng Aklan, Antique, Capiz, Iloilo, at Negros Occidental…

Responses